Ang email ng beripikasyon ng account mula sa Draw My CA Community ay maaaring magtuloy sa mga spam, mga promosyon o ibang mga folder sa iyong email account. Mangyaring tingnan upang malaman kung ang email ng beripikasyon ay dumating sa mga folder sa labas ng iyong pangunahing inbox. Masusubukan mo ring maghanap sa iyong email account para sa "no-reply@drawmycacommunity.org." upang matagpuan ang email ng beripikasyon.
Ang paglikha ng account sa Draw My CA Community ay nagbibigay sa iyo ng kakayahan na i-save ang iyong ambag na komunidad bilang isang burador na mababalikan sa ibang panahon. Bilang karagdagan, tatanggap ka ng isang paunawa sa email sa sandaling nakagawa na ng isang pagsumite.
Habang maaari ka pa ring lumikha at magsumite ng ambag na komunidad sa Draw My CA Community bilang isang bisitang gumagamit, hindi mo magagawang i-save ang iyong trabaho bilang isang burador.
Oo, ang Draw My CA Community ay gumagana sa mga kagamitang mobile. Kung posible, inirerekomenda namin na gumamit ka ng computer para sa madaling paggalaw, pagtingin sa detalye, at interaksyon sa mapa.
Magagamit mo ang Draw My CA Community sa anumang pangkaraniwang web browser. Inirerekomenda namin ang paggamit ng Chrome para sa pinakamataas na pagganap.
Mangyaring bisitahin ang https://www.wedrawthelinesca.org/ upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa Komisyon ng mga Mamamayan sa Muling Pagdistrito ng California at sa pambuong-estadong proseso ng muling pagdistrito.
Ang Draw My CA Community ay nag-aatas na gumuhit ka ng isang mapa upang maisumite ang iyong ambag. Gayunman, hindi lamang ang Draw My CA Community ang tanging paraan na maibabahagi mo ang iyong ambag sa Komisyon ng mga Mamamayan sa Muling Pagdistrito ng California. Maaari kang mag-email ng iyong ambag sa Komisyon sa votersfirstact@crc.ca.gov Isasaalang-alang ng Komisyon ang lahat ng ambag sa proseso ng pagguhit ng linya, anuman ang paraan na natanggap nila ang ambag.
Maaari mong palitan ang wikang ginagamit mo anumang oras. Sa Welcome Page, mapapalitan mo ang wika sa pamamagitan ng pag-click sa menu na “Languages (Mga Wika)” sa itaas na kaliwang sulok ng window.
Sa sandaling magsimula kang magtrabaho, mapapalitan mo ang wika mula sa pangunahing pahina ng Draw My CA Community sa pamamagitan ng pag-click sa menu na “Languages (Mga Wika)” sa itaas na kaliwang ulok ng screen at pagpili ng nais mong wika mula sa drop-down menu.
Subukang ilarawan ang iyong komunidad sa isang paraan na tumutulong sa Komisyon na maunawaan kung sino ang bahagi ng iyong komunidad at ano ang mahalaga sa iyo.
Kailangang malaman ng Komisyon ang tatlong pangunahing bagay mula sa iyo tungkol sa iyong komunidad:
Kung ikaw ay nahihirapan pa ring ilarawan ang iyong komunidad, inirerekomenda namin na isipin mo ang mga sumusunod na tanong:
Habang ang iyong komunidad ay maaaring ibatay sa halos anumang magkakatulad na interes, ang iyong komunidad ay hindi maaaring ilarawan ayon sa relasyon nito sa alinmang partidong pamupulitika, kandidato, o nanunungkulan.
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Ang Draw My CA Community ay gumagana sa limang Drawing Layer. Ang bawat layer ay nagpapakita ng ibang antas ng detalye sa mga hubog na bumubuo sa layer. Ang Drawing Layer na ipinakikita sa mapa sa anumang panahon ay ang layer na magagamit mo upang iguhit ang lokasyon ng iyong komunidad sa pamamagitan ng mga kasangkapan sa pagguhit. Isang Drawing Layer lamang ang lilitaw sa mapa sa isang pagkakataon, at makikita mo kung alin ang kasalukuyang makikita sa seksyon ng Drawing Layer sa ilalim ng “Draw Your Community (Iguhit ang Iyong Komunidad).”
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Sa pamamagitan ng default, ang mapa ay awtomatikong magpapalipat-lipat sa mga Drawing Layer na batay sa antas ng iyong zoom. Habang gumagawa ka ng pag-zoom papasok sa mapa, ang Drawing Layer ay awtomatikong magbabago upang magpakita ng mas maraming detalye. Habang gumagawa ka ng pag-zoom palabas ng mapa, ang Drawing Layer ay magbabago upang magpakita ng mas kaunting detalye.
Kung gusto mong gumamit ng isang ispesipikong Drawing Layer pero ang Drawing Layer na iyon ay hindi lumilitaw sa mapa sa pamamagitan ng default batay sa antas ng iyong zoom, i-click ang drop-down list ng Choose Drawing Layer (Pumili ng Layer ng Pagguhit) na nasa ibaba ng tatak na Drawing Layer. Piliin ang layer na gusto mong gamitin. Ngayon ay magagamit mo ang layer na pinili mo sa isang antas ng zoom na gumagana para sa iyo.
Halimbawa, kung ang Drawing Layer ay nagpapakita ng mga lungsod at bayan at gusto mong idagdag ang isang county sa iyong mapa, pero ayaw mag-zoom palabas ng iyong kasalukuyang pagtingin, mapipili mo ang “Counties (Mga County)” mula sa drop-down list ng Choose Drawing Layer sa halip na mag-zoom palabas ng mapa. Sa sandaling pinili mo ang “Counties (Mga County)” bilang iyong Drawing Layer, magagawa mong magdagdag ng isang county sa iyong mapa.
Upang lumipat pabalik sa pagkakaroon ng antas ng zoom na awtomatikong kumokontrol sa Drawing Layer, i-click ang "Default (Naroon na)" sa drop-down list ng Drawing Layer.
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Kung sinimulan mong gamitin ang Draw My CA Community bilang isang bisita at nagpasiya kang i-save ang iyong trabaho, makakalikha ka ng isang account at makakapag-log in pagkatapos mong simulan ang pagguhit sa iyong komunidad. I-click ang “Save (I-save)” at saka sundin ang mga instruksyon upang lumikha ng isang account.
Upang i-save ang isang burador, dapat kang mag-log in sa iyong account. Kung ikaw ay gumagamit ng Draw My CA Community bilang isang bisita, ikaw ay sasabihan na mag-log in o lumikha ng isang account kapag nagtatangka kang i-save ang iyong trabaho.
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Pagkatapos mag-log in at i-save ang isang burador, dadalhin ka sa pahina na “My Maps (Aking mga Mapa)”, kung saan makakakita ka ng isang listahan ng mga na-save na burador at mga pagsumite. Kapag nag-click ka sa isang burador o pagsumite, ang mapa ng komunidad na iyon ay lilitaw sa screen. Upang i-edit ang isang burador, i-click ang tatlong tuldok sa tabi ng pangalan ng burador. Piliin ang “Edit (I-edit)” upang ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa iyong komunidad.
Sa sandaling ang iyong ambag na komunidad ay naisumite na sa Komisyon, hindi na ito mababago.
Kapag handa ka nang ipadala ang iyong paglalarawan ng komunidad at mapa sa Komisyon ng mga Mamamayan sa Muling Pagdistrito ng California, i-click ang buton na “Submit (Isumite)” na matatagpuan sa kaliwang sulok ng screen. Magkakaroon ka ng huling pagkakataon na repasuhin ang iyong trabaho bago ito ipadala sa Komisyon.
Tandaan: Sa sandaling ang ambag na komunidad ay isinumite sa komisyon, ang aksyong ito ay hindi na mababago. Hindi mo na magagawang higit pang i-edit ang iyong paglalarawan ng komunidad at mapa.
Para sa karagdagang tulong, tingnan ang amingvideo tutorialsa paksang ito.
Ang iyong ambag ay ipapadala nang diretso sa Komisyon ng mga Mamamayan sa Muling Pagdistrito ng California. Rerepasuhin ng Komisyon ang iyong paglalarawan at mapa ng komunidad at sisikapin na panatilihing buo ang iyong komunidad hanggang magagawa kapag lumilikha ng mga bagong distrito.
Kumuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa proseso ng muling pagdistrito ng California dito.
Lahat ng ambag na isinumite sa Komisyon ay magiging bahagi ng pampublikong rekord. Ang iyong personal na impormasyon ay hindi isasapubliko o ibabahagi kahit kanino.
Ang Draw My CA Community ay magagamit upang lumikha ng ambag para sa alinmang hurisdiksiyon sa California. Gayunman, ang Draw My CA Community ay magagamit lamang upang diretsong isumite ang ambag sa pambuong-estadong proseso ng muling pagdistrito ng California.
Magagamit mo ang kasangkapang ito upang lumikha ng paglalarawan at mapa ng isang komunidad upang isumite sa ibang proseso ng muling pagdistrito, tulad ng muling pagguhit ng iyong lokal na mga distrito ng konseho ng lungsod. Bago mo gawin ito, mangyaring tingnan kung sila ay may sariling kasangkapan para sa ambag na komunidad. Kung ikaw ay gagamit ng Draw My CA Community upang lumikha ng ambag para sa isang lokal na proseso ng muling pagdistrito, mangyaring sundin ang mga hakbang na ito: