Ang California Citizens Redistricting Commission ay lilikha ng mga bagong distrito ng halalan
para sa Asembleya ng Estado ng California, Senado ng Estado, Kongreso, at Lupon ng
Pagpapantay na mga distrito. Ang proseso ng paglikha ng mga bagong distrito ay nangyayari
bawat 10 taon at tinatawag na muling pagdistrito.
Ang mga taong naninirahan sa bawat distrito ay boboto upang ihalal ang mga kandidatong
kakatawan sa kanila. Ang bawat kandidato ay kailangang manirahan sa distrito kung saan sila
kumakandidato para sa katungkulan.
Kapag ang Komisyon ay lumilikha ng mga bagong distrito, ito ay dapat sumunod sa mga
partikular na patnubay. Ang isa sa mga patnubay ay upang malaman ang tungkol sa mga
komunidad sa buong California at panatilihing magkakasama ang mga komunidad sa
mga bagong distrito kapag posible.
Kapag ang mga komunidad ay pinananatiling magkakasama sa mga distrito, sila ay maaaring
may mas mahusay na pag-asang maghalal ng mga kandidatong kakatawan sa kanilang mga
pangangailangan.
Kumuha rito ng karagdagang kaalaman tungkol sa proseso ng muling pagdistrito ng California: https://www.wedrawthelinesca.org.
Kailangan namin ang iyong komento upang:
Bawat isa sa California ay iniimbitahang lumahok.